V. Ang bansang Hapon2:30 ng hapon noong lumapag sa airport ng Fukuoka si George. Nagmadaling lumabas ang mga pasahero kasabay ang bida. Sa labas kanina pa naghihintay si Kido, isang empleado ng nasabing ahensya. Paglabas ng bida masayang itong sinalubong ni Kido, nagpakilala, gunun din ang bida. Tinungo nila ang parking at habang naglalakad pinaikot nya ang kanyang paningin sa paligid. Ganito pala ang Japan naibulong sa kanyang sarili. Tumigil sila sa isang Mazda na kotse, inayos nila ang baggage ni George at nilisan ang airport patungong eki (train station). Mula dito sasakay si George ng tren hanggang Horishima. Hiroshima, dito ang opisina ng ahensya ni Goerge. Kilala ang lugar na ito dahil dito sumabog ang atomic noong panahon ng pangalawang digmaang pandaigidig. Nasa train station na sila at ipinaliwanag ni Kido ang kanyang gagawin kasabay ang pag-abot ng ticket ng tren, sandwich at inumin. Mag-isa na palang pupunta si George sa Hiroshima at may susundo na lang na ibang empleado ng ahensya pagdating dun. Medyo kinabahan ang bida. Nawala ang kanyang kaba noong siyay nakaupo na sa mabilis na tren. Nakadungaw ito sa bintana, malayo ang tingin at ipinipilit na na isalarawan ang paligid na niway naglaho dahil sa bilis ng sasakyan. Nakaramdam ng pagod ang bida, inaantok pero pinilit nyang idilat ang kanyang mga mata. Naalala nyang kumain at naubos nya ang masaarap na sandwich na bigay ni Kido. Napahinga sya ng malalim pagkatapos uminom ng medyo mapait na o-cha. Dinukot nya ang brastel card mula sa kanyang bag at simulang basahin kung paano gamitin. Plano nya tawagan ang kanyang asawa pagdating nya sa Hiroshima. Panay ang sulyap nya sa information LCD display kung saan na ang susunod na istasyon at na-alarma noong mabasang “the next station is Hiroshima”. Bahagyang inihanda ang sarili. Tumigil ang tren ang dali-daling bumama ang bida, nag-isip kung ano susunod na gagawin pero ang kanyang paa ay sinundan ang yapak ng mga ibang pasahero. “Deguchi””Exit” palabas na si George. Sumunod lang sa agos si George at sinunod din nya ang ginawa ng ibang pasahero at syay nakalabas na ng istasyon. Palingon-lingon, patingin-tingin na parang ligaw na tupa hanggang mabasa nya ang kanyang pangalan sa isang papel na hawak ng isang babae. |
Home »
Pag-ibig Libog at Pagkabalisa
» Pag-ibig Libog at Pagkabalisa 5