Home » » AKO AT SI PAPA, AT IBA PA (PART VIII)

AKO AT SI PAPA, AT IBA PA (PART VIII)

Chapter 8

“Mukhang nilubayan ka na ni boss ah?” tanong ni Angel isang hapon na nasa Starbucks kami sa Glorietta 4.

“Oo nga e”

“Baka kasi dun sa sales mo dun sa doktor mong kliyente?”

“Baka nga” sabi ko na lang. Pero sa loob-loob ko, alam ko kung bakit hindi na ako kinukulit ni tabachoy… at alam ko din kung bakit nai-close ko ang sales ko kay dok.

“Uy, sis, una na muna ako ha. Imi-meet ko lang yung client ko” paalam sa akin ni Angel.

“Sino? Yun cute?”

“Yup, si Dr. Sanchez” nakangiti nyang sabi.

“Saan mo imi-meet up? Wag mo ng sagutin, alam ko na”

“Hihihi kwento ko na lang sa yo bukas” sabi nya sabay dila sa akin.


Marami ang nagtataka kung paano kami naging magkaibigan ni Angel na kung tutuusin ay malayo ang personalities namin. Liberated sya, sobra. Pero sa tingin ko naman ay masaya siya sa buhay nya kaya di ko na rin siya pinagsasabihan.

“Hi, magkakilala ba tayo?”

Naputol ang iniisip ko nang may kumausap na lalaki sa akin, may dalang Caramel Frap na ipinatong sa table ko.


“Hah?” sabi ko, “sorry, I don’t think so…”

“Ay sorry miss, kasi nginitian mo ako kanina eh, I thought magkakilala tayo” sabi nya sabay nagmamadaling tumayo.

Nabunggo nya ang table kaya tumapon ang iniinom kong coffee. Muntik na akong matapunan. Sya naman ay nagmamadali s pagpunas sa tumapon na drink. Natawa ako sa reaction nya, parang sa mga movies. Para syang tanga pero napansin ko ang itsura nya. Cute ang guy pero di neat tingnan, parang mga artist type. Parang member ng rockband o isang painter. Medyo mahaba din kasi ang buhok na di ayos.

Nalaman kong Kris pala ang kanyang pangalan. Kris Aquino. Di pa nga ako makapaniwala, akala ko ay nagbibiro lang sya ngunit Kris Aquino daw talaga ang pangalan nya. Biro pa nga nya na gusto daw nyang magpalit na ng pangalan dahil lagi nga raw syang napapagtawanan kapag nalalaman ang tunay nyang pangalan. Masarap kausap si Kris. Madami kaming napagkwentuhan. Dahil na rin siguro sa ayaw ko pang umuwi saa bahay namin kaya napatagal din ang aming kwentuhan.
“Hey, you know what? Meron akong two tickets dito. Manunuod sana kami nung ka-eyeball kong kinukwento ko sa yo kanina. Kaso nga di ako sinipot, akala siguro babae ako hahaha gusto mong manuod?” tanong nya.

“Hah? Sine? Naku, allergic ako jan lalo na kapag guy ang kasama hihihi” biro ko sa kanya.

“Come on, don’t worry, harmless ako” nakangiti nyang sabi.

“Nah, pass ako. Mahirap na, madilim dun, malamig…”

“hahaha kung gusto mo, magkalayo tayo ng upuan, dun ka sa left side, dun ako sa right side.”

“haha sobra naman yun” sabi ko.

“Ikaw kasi e, natatakot ka ata sa akin. Sayang lang kasi itong tickets.”

“Di naman, di lang talaga ako sanay mag-watch ng movie na may kasamang guy na ngayon ko lang nakilala, kahit pa gaano ka-harnless tingnan hehe uhmmmm… sige na nga, pero behave ha” narinig kong sabi ko.
Nagtataka ako kung bakit ako pumayag. Sa totoo lang kasi, di ko talaga gawain yung ganun. Kung nanunuod nga kaming mga magkakanarkada, laging babae kong friend ang katabi ko sa loob. At ngayon nga, eto si kris na ngayon ko lang nakilala, at napapayag nya akong manuod kami ng sine. Marahil dahil na nga rin sa magaan lang syang kasama, parang matagal na kaming magkakilala. Tsaka siguro naman ay harmless nga sya, na ako lang ang madumi ang isip. Parang napahiya pa ako sa sarili ko. Baka imiisip ni Kris na ang dumi ng utak ko, na naghihinala e ganung manunuod lang naman kami ng sine.
“Lets go?” tanong pa nya.

“Tara.”

Hindi ko na natanong kung ano ang papanuurin namin. Kabang-kaba kasi ako nang pumasok kami sa loob ng sinehan, ewan ko, parang ang corny nga kung iisipin. Bakit kaya ako kakabahan? Maliwanag pa sa loob ng sinehan ng pumasok kami. Di pa nagsisimula ang showing. At shempre, dun kami napapwesto sa taas, bandang gitna ngunit taas na taas, sumunod lang kasi ako sa kanya kaya di na ko nakapamili. Umupo na lang sya sa pwesto dun. Pag-upo ko, tsaka ko pa lang na-realize na kokonti lang pala ang nanunuod.

“I have a bad feeling about this…” narinig kong bulong ni Kris sa akin.

Ako man ay parang lalong kinabahan. Kokonti lang aksi ang tao. Imneexpect ko kasi na at least naman sana, madaming tao sa loob.

“Tingin ko panget ang story, kasi kokjonti lang ang tao” biro ni Kris.

Napangiti lang ako, di ko na nakuhang matawa dahil kinakabog pa rin ang dibdib ko. Nagkwentuhan pa kami ng konti bago magsimula ang palabas. Siguro ay ramdam nya na kinakabahan ako kaya pinapatawa nya ako lagi para mawala ang kaba. Nakatulong naman iyon dahil nang dumilim na ang paligid dahil magsisimula na ang palabas, nawala na ang kabang kanina’y nararamdaman ko.
Share this article :

Blog Archive

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!
 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2021. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP